Ano nga ba ang FAKE NEWS?
*FAKE NEWS
- ay isang balitang may lamang na mga making impormasyon, maaring ito ay sinadyang gawin upang malinlang ang publiko sa mga walang katotohananng mga impormasyon. Mga gawa-gawa lamang na mga balita o mga making kontesto na mabilis namang kumakalat sa social media na may posibilidad na maka-apekto sa pananaw at emosyon ng mga mambabasa, kasama din dito angmga "paid trolls" o mga binabayaran na mga tao na inuutusang magpakalat ng fake news o di kaya ay manira ng isang partikular na personidad, dahilan upang mas dumami ang mga maniwala.
Katangian ng FAKE NEWS:
•Hindi makakapagkatiwalaang pinagmulan
• Hindi mga awtorisadong mga website
• Mga Ai generated na mga litrato
• Walang siguradong panahon kung kailan nailathala
• Mga one-sided na nga impormasyon
*MISINFORMATION:
-Ito ay tumutukoy sa mga balitang maibabahagi ng hindi sinasadya o walang pakay na makapanlinlang ng mga mamamayan o mambabasa, upang masiguro na ito ay talagang totoo maaring pumunta sa mga napagkakatiwalaang mga News Website platform.
*DISINFORMATION:
- mga maling impormasyon na ipinapakalat at sadyang inilalathala upang malinlang, manipula, o di kaya naman manira ng reputation ng ibang Tao, kaiba sa Misinformation na hindi sinasadyang maipakalat.
*MALINFORMATION:
- malaking ang pagkakaiba sa Misinformation at Disinformation dahil ang layunin naman nitong isa ay maglabas o magpakalat ng mga totoong bagay na makakapan-api sa kapw, halimbawa na lamang ay ang "doxing" ito ay ang pagpapalabas ng mga pribadong mga impormasyon nga isang tao gaya ng kanyang address, phone number at iba pa sa parang sila ay maharas, malait o mapahiya.

*HOAX:
- isang sadyang panlilinlang sa maraming tao, upang papaniwalain sa ibang bagay na karaniwang ginagamit sa katuwaan o upang maghasik ng takot sa publiko. Madalas din silang gumagamit nga nga pekeng logo nga mga media outlets gaya na lamang ng GMA at ABC-CBN.
Sa panahon ngayon palaging mag-ingat sa mga pekeng balita na nababasa, dahil ang iba sa mga ito ay hindi totoo at may layunin lamang na makapanloko ng mga mamamayan o di kaya naman ay upang maglabas ng mga nakakatakot na mga impormasyon na maaring magdulot ng katatakutan at maaring maka-apekto sa mental na pag-iisp ng mga tao, kaya kung maari sa pagdaan ng panahon nawa'y maunawaan din ng bawat isa na dapat ay sisiguraduhin muna sa mga makakapagkatiwalaang media outlets upang hindi maloko ng mga sakim na manloloko. Ang Fake news ay para lamang pag-ibig kapag maniwala at makinig ka sa mga taong hinding hindi makakapagkatiwalaan ay sa huli ikaw ang masasaktan at maloloko sa biglaang pagtiwala sa kanya ng hindi muna inaalam kung ano nga ba ang totoo o totoo nga ba ang kanyang mga inihayag na nga salita.


Comments
Post a Comment